Robin Padilla supports Federalism and Pres. Duterte

>> Tuesday, February 21, 2017

Robin Padilla supports Federalism and Pres. Duterte




robinhoodpadilla🇵🇭 Mga kapanalig Hindi ako politiko at lalong hindi ko kailangan ng boto ninyo..... immoral ako pero hindi sa usapin ng pagnanakaw ng salapi at kapangyarihan. Nakulong ako dahil akoy naging mapusok ngunit kailanman ay walang inapi at hindi nagpaapi. Hindi ako gumamit ng dahas para maisulong ang sariling interes at higit sa lahat hindi ako naging sinungaling at mapaggawa ng kwento para siraan ang kapwa, naging tahimik ako dahil katulad ninyo ay may sarili din akong sama ng loob sa NBI at PNP ngunit kailanman hindi ko ito isinisi sa aking Pangulo.. Katunayan ay Itatataya ko ang aking maliit na Pangalan at hindi iiwan si EL CID/Mayor Duterte. Handa akong harapin kahit na sino hanggang sa aking huling hininga kapag kinailangan dahil buong buo ang tiwala ko sa kanya hindi dahil bayaran ako o may political interest kundi dahil siya lamang ang may tunay na damdamin para sa Inangbayan Las islas PILIPINAS... hindi Dios ang pangulo para magmilagro at sa loob ng ilang buwan ay maayos niya ang suliranin at salot na dulot ng sistemang inaagnas na at umaalingasaw sa BAHO na minana pa natin mula pa sa panahon ng kastila, na itinuloy ng mga amerikano hanggang sa mga multi kultural na mga Pilipino.. isa lang ang konretong solusyon para makabangon ang Inangbayan sa kumonoy na gawa ng mga pekeng anak ng bayan at ito ang mabuhay ang damdaming rebolusyonaryo sa bawat Pilipinong nagnanasa ng pagbabago at magtiklop muna ng bibig at ng talino upang tapang ang mamayani at magkaisang isulong ang Rebolusyon ng Federalismo... ito na lamang po ang tanging pag asa wala ng iba..... ngayon mga kababayan itataya niyo ba ang inyong pangalan sa mga politikong satsat lamang ng satsat pero on record ay wala naman nagawa sa Bansa kundi trouble o kahit man lang maganda sa lugar nilang pinagmulan. Pansinin niyo ang mga politikong ito at makikita niyo na sila lamang ang gumanda ang buhay kasama ang mga nakapaligid sa kanila pero ang mga taong nagluklok sa kanila ay naghihikahos pa rin at naghihingalo sa kahirapan..mga kababayan wala akong interes sa politika o sa gobyerno, akoy katulad lamang ninyong ordinaryong pilipino walang ambisyong politiko kundi makitang malaya ang Inangbayan sa kahirapan👊🏼


Share/Bookmark

Popular Posts

About This Blog

  © Blogger template Sunset by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP